Wednesday, May 30, 2007

boohoohoo

hmft. i really want to sell blue na. i want to get a new car but shempre wishful thinking lang yun. ayaw kasi ni dada na benta sha ng mababa but wala pa kong money for repairs. ok, ok, i won't sell blue na nga. i'll just pray really hard na manalo ako ng bmw sa raffle. hehe.
hay. ang hirap maging mahirap. sa totoo lang, before mum and dad left, i think i even blogged about it, kasi i was supposed to work somewhere. the pay wasn't even that bad, but i think sablay yun company. oh, well, but kasi it is very easy nga naman to look for jobs di ba? naku, eh talaga namang may i reklamo ang mga cousins ko kasi naghanap ako ng trabaho. bakit daw? simple lang, wala kasi akong pera eh. ganyan talaga...ang yabang ko kasi, kala ko matatagalan ko din na pinta pinta lang. at ayun pa pala, mahirap ng malayo sa magulang, wala kang tatakbuhan. kasi kahit wala akong pera, very supportive talaga sila sa aking pagpipinta slash kabaliwan. naisip ko na kasi yun eh, na talagang i know na i hafta do everything alone. tapos may malaki pa akong baby, pucha, dog food pa lang talaga namang kahabag habag na ako. eh sige, major protesting sila. tapos ngayon, oo nga, nagsisimula ng business, ni hindi ako nakakapag pinta... wala rin akong pera. shempre, wala pa akong sinasahod. naranasan ko na to dati, pero shempre, anjan si mummy, di ako nagugutom at hindi ako kaawa awa...
pero ngayon...hay, naiiyak ako, kasi joke ng mga pinsan ko, di ko naman daw kailangan ng pera at pwede naman daw ako makikain kung saan saan. hoy, nakakahiya kaya yun...pero, nagagawa ko na nga yun eh. shit, naiiyak ako...
alam ko naman di ko dapat nirereklamo to kasi kung saan saan nga ako nakakapunta eh. kaya lang, talagang ang hirap na makikita mo na walang kakainin ang anak mo.wah!kawawa naman si cyrus. pera ko na lang 25 pesos pambili ng load. wah! tsk, tapos ang dami ko pang bills...panu na kaya ako. minsan nga nahihiya ako kay mikkey kasi bum ang gelpren nya. gusto ko ng lamunin na ko ng lupa!!!
tama nga, in two months, nakapag set up kami. wala pala sa conditions ko na mag open in those two months. i can't wait anymore. nadidiskurahe na ko. kasi hindi naman talaga ako optimist, nagpapanggap lang.
what now?

Tuesday, May 29, 2007

new shoes from ten. ang cutie cutie teehee. thanks po.




Monday, May 28, 2007

hey. am bidding goodbye to summer na. am off to work now.

but first, let me share some of the photos i took from zambales.






tama na yan. ok na yan. raens lent me razi's frogeye eh hindi pa napprint kaya good luck. wala naman makita sa ilalim ng dagat, puro tubig at buhangin. hehe. sana pala nag snorkeling kame kaso 2 lang un goggles and snorkles, mejo mahirap un di ba.hmmm. ang liliit ng bangka dun sa pinuntahan namin, parang tricycle lang. pero ayus na rin. mejo madrama kasi kasama ko mga friends ko from the village. at first time namin to ha. hehe. well, i had a nice time. sobra. sayang lang, may partition. may hostilities kasi eh. tsk tsk.


oh well. nakakainis. pag may mga kaibigan kana di marunong makinig. parang walang respeto syo.


muntik na ko pumunta sa baba kahapon. just had the thing to cry and cry and cry. parang walang makausap. para kasing walang makikinig. i texted blythe and she called. sabi kasi ni lemuel, mahirap na madepress ako at nadadagdagan ang tao sa mundo. the last time kasi, nabuo si tamtam. weh. may jitters ata ako. or ganun talaga pag walang pera. ewan ko, was just a little lonely kahapon. tapos dad called pa. nakausap ko din si mum and si ali. ako pa naman, nababaliw pag walang kausap. gusto ko pa naman ng ganun. un daldal ng daldal. pucha, pati telenovela, papatulan ko na. kelangan ko na ata magpatattoo. weheheh.

alam mo un? ung anjan na pero bitin...



Wednesday, May 23, 2007

kakaloka

it's 2:27 am and am still awake. i've been struggling(totoo yan at hindi ako nagpapakaOA) with photoshop since yesterday. ang bagal kasi ng laptop ko ang sarap ibato. i really need an upgrade! oh well, what i really need is my own personal IT. malay ko ba kung panu mag tweak. hmft. mas mabilis pa mag blog kesa gumawa ng lay out. lindy came over nga(kasi ako na daw last resort nya kasi inindian sha ni janno at di nya alam asan si jeje at wala na shang ibang friends dito sa antips) at sa sobrang bagal ng photoshop , napagusapan na namin ang 8 months nyang lovelife at ang 3 year bout ko with depression plus my 8 month thing din haha. pero wala pa ring improvement ang adobe. leche.

still hafta do tons of work. lay outs, price lists, accounting, meeting with people...hay...at hihirit pa ko mag swimming beach sa thursday. ilusyonada, wala na ngang pera. hehehe. sabagay, yun na lang naman ang kaligayahan ko, ang magpaka sirena sa dagat. tapos, pagbalik, bubulagain na naman ako ng realidad at marerealize ko na naman na sana di na ko nagpunta kasi sayang ang pera! pupunta kami sa potipot islan. niyaya ko nga si tyrone, pero ayaw daw nya dun kasi mabaho ung pangalan, parang bird shit. wakokokokok.

praning na naman sa friday night.

i miss my family. oo nga pala, i had this moment a few days ago, parang madedepress ako. sabi ni mikkey, baka daw it comes with age. hmft. wala lang, parang napaka absent lang ng lahat ng mahal ko. naghahanap kasi ako ng kausap nun, kaya lang wala eh. ay, kawawang bata...i miss mum and dada sobra...it would be so nice if i can hear the familiar voices. kasi naman, it sometimes can get so quiet here na i can hear the voices in my head. haha. no, really.

i'd give up anything to be able to hear...

Tuesday, May 22, 2007

somebody please get me a big mac.

Saturday, May 19, 2007

hi. i'm finally back.

last night, polin called. i think we stayed on the phone for almost an hour. had a lot of catching up and chismis. she told me that her friends from work know me as si abba, ung salbahe. wah! eto daw kasi un winner lines ko:

me: wow, mumai(another ex officemate) ,and ganda ng hair mo, anung ginawa mo?
mumai: nagpa cellophane ako
me: kaya pala mukha kang yema

me: mumai, ang sexy mo talaga shaka ang ganda ganda mo na
mumai: nyek
me:sana wag kita maging kamukha

me(to someone else): wow, ***, ang galing naman, TL(team leader) ka na, di ka pa nga magaling!
TL: alam ko naman na maraming di bilib sa akin eh
me:oo nga...
TL: naman eh...
me: halika nga hug kita...(my chair rolls over her toes)
TL:aray ko...
me: sorry na nga, lika hug kita...ang dami mo naman, di ka kasya sa arms ko...

marami pa daw yan, di ko na kasi maalala. oo na, inaamin ko na, masama talaga ang ugali ko. oh well, alam naman nila na mahal ko sila.

ang saya saya. in a week or two, matatapos na un project ko. still, i dont wanna jinx it. will post photos soon.

byeee, pinapatulog na ko ng asawa ko