nakahanap ako ng kakaibang trip. nung nasira yung stereo ko sa auto, sobrang na-bad trip ako kasi ultimo cd changer ayaw gumana. yung tape deck ayus pa tapos unti-unting nasira din. nasisira nya yung mga casette tapes. buti na lang gumagana sa jack para makabit ko yung ipod. hassle kasi kung sumasabit yung ear phones kung saan saan kapag nagmamaneho ako. hindi kasi gumagana yung fm radio, di makakuha ng signal. pwede lang sa kanya, am radio.
kapag gamit ng dada ko yung auto, naka set na yung station sa dww 774. yup. siete siete kwatro. nakakainis nung una talaga. tapos, nadiskubre ko yung programang tamang-tama sa oras ng biyahe ko sa gabi. ikaw, ako, at ang awit. or something that sounds like that.
kundiman, country songs, opm, at kung anu-ano pa ang pinapatugtug don. eddie perigrina, nora aunor, elvis presley, pilita corales, at mga sikat na singers nung 50's hanggang 70's ang featured lagi. masarap pakinggan. nakakaaliw. eto yung mga panahon na may mga singers pa na gumagamit ng mga pangalan na tulad ng sue,susan, vera, at lahat ng old school na cutesy names. kakaiba lahat, kahit mga boses, accompaniment, areglo ng mga kanta, kakaiba yung mga melody. napaka simple, minsan hindi pa malinis yung recording, pero madaling sabayan at matandaan. may kakaibang appeal eh.
nakakatuwa ang mga kanta ni nora aunor, ang paraan nya magsalita, ang enunciation. medyo baduy din yung iba lalo na kapag may narration. mga awitin nung uso pa ang jukebox. kasi halos lahat ng kanta, galing sa mga jukebox kings and queens ng iba't ibang dekada. nakakainis lang kasi dalawang araw magkasunod pinatugtog yung kanta ni cliff richard na italian. nakakaaliw din sa isang banda, lalo na yung mga spanish songs na ubod ng lambing.
at ang last song syndrome ko ay "something stupid". pero version ni ate vi at ni bobot. super pa-cute. hala.
yun nga. hindi nakakasawa. ang lakin ng sinasakop regarding genre. mahirap ipagsabi sa iba, nakakahiya. pero talaga atang madali lang para sa akin maka-appreciate ng kahit anung klase ng music. hip-hop lang ang hindi ko talaga matripan eh. yun pa naman ang tugtugan ng mga tao sa village namin.
sabagay, kahit baroque pa iparinig mo sa kin, maappreciate ko yan.
late na naman ako sa opisina. at meron akong natanggap na tawag na tumagal ng 50 minutes. at 380 seconds ata ang target namin. partida lang nyan, maayos lahat ng dumadaan sa kin. pero di importante sa management yun eh.
ang lamig. masakit sa bituka.
2 comments:
hindi bale abs, magagandang songs ang ilalagay ko sa ipod mo. text kita pag ready na.
btw, eurostar tayo ha!
oh! pareho tayo, i can appreciate all kinds of music, hindi ko lang tlaga kayang tanggapin is ung hip hop at ung mga april boy at ung mga pang-bobo music.
Post a Comment