what can i say? i read other people's life stories and i begin to think that i am such a bore. and i am too dumb and numb to actually do something productive with my life. is it my fault that i am actually apathetic about a lot of things including what would actually happen to me the day after tomorrow and the day after that. now that i am definitely out of depression, i get to meet different sorts of issues. and i tend to panic now.
i can't write about anything really because i don't have a life.
but i do, i do want to.
well, school is finally over. after later's commencement exercises, i'll be definitely busy with something else. and i think this is rather life-changing. yup. i'm gonna get married.
joke lang.
wish ko lang though, within this lifetime. ahahha. joke lang ulit yun. there is something else. still not yet ready to talk about it. but i'm sure it'll be pretty interesting. and i'll have something to blog about in the coming weeks. but sa akin muna yun. nakakapikon kasi to write about plans tapos di naman natutuloy. eh ayoko naman magpakaprofound at sumulat ng mga bagay na parang nagpapanggap ako na matalino ako. at baduy na din i-over analyze ang life at ang mga emotions na napaka-subjective naman talaga sa tootoong buhay lang, mind you.
at hindi ko rin naman balak ipag landakan ang mga bagay na nagaganap ngayon sa sarili kong mundo. mahirap talaga ang mga schizoprenic na may catatonic excitement. hehe. pero talgang magulo pa din ang utak ko. minsan naman, tumitigil sya ng kusa. kelangan lang basain ang tuhod mo habang nakatingin ka sa ilaw na parang i-eebak mo ang sense, hehe, kung ganun lang kadali siguro lagi na lang akong nasa banyo. pero ganunpaman, masaya ang buhay ko ngayon.
kahit maraming nangyayaring kamalasan. kasi balanse pa din. sa bawat bad trip na nangyayari, may kapalit naman agad. katulad nga ni blythe, kung sa lahat ng katarantaduhan nyang ginagawa ay napakabilis ng karma, katulad ng pag baliktad sa upuan at kung anu anu pang kakatwang kamalasan, sa akin naman, sa lahat ng bagay ng mejo nagpapaka pissy sa kin, mabilis din naman ako salubungin ng swerte. hindi lang ata talaga ako suswertehen sa pera sa kasalukuyan. pero dahil meron akong malaking lucky charm na antukin, ayus pa rin naman.
meron din pala akong mga hinanakit, well, hindi naman talaga masakit, hindi ko lang alam kung paano icacategorize yun. nakakainis kasi, hindi ko alam kung bakit ba kasi ang daming tao na nakapaligid sa kin na ang gugulo ng utak.
katulad ni ***. kung tutuusin, kung maari lang, eh gusto ko nga sya kasama araw-araw, kahit crush pa sha ng dati kong crush, at naglalandian sila sa harap ko, ayus lang. pero bigla naman nawala ang koneksyon dahil may isang araw na minalas malas kaming pareho, ako dahil hindi ko afford ang umalis ng antipolo at hindi ako makasaklolo sa kanya, at sha, dahil sa katangahan( sorry pero eto ang tingin ko) sa lalake. hindi ko kasi na kayang sabayan ang mga kaibigan ko, alam ko din dahil talgang pinili ko ang lifestyle na ito, pero sana naman ay naintindihan nya na talagang madalas na hindi ko kaya, lalo na ng bulsa ko, ang mga impulsive na desisyon katulad ng pag luwas sa kabihasnan ng walang pera pampagasolina. at duon nagtatapos ang pagiging magkaibigan. siguro madalas nga na sya ang nagiging present physically sa mga panahon ng delubyo pero alam na namin dapat un simula ng mga bata pa kami, eh ganun naman talga ang storya ng buhay namin.
kaya nga minsan ng dumaan ako malapit sa area at alam ko na may oras pa ko para magmaganda, ako na mismo ang nagpigil sa sarili ko na kontakin sha dahil sya na ang umayaw sa akin.
pero hindi ko rin ngayon masabi kung gusto ko pa sha maging kaibigan. dahil oo, nasaktan ako sa mga sinabi nya.
at ang isa pa, etong kaibigan ko na nasa paligid lang. sana wag nya sagarin ang pasensha ko dahil madunong din ako magalit. un totoong galit ha. kasi marunong ako makisama pero sana naiisip rin nila na kelangan din ako pakisamahan.
hindi naman ako galit. hindi talaga. hindi ako galit sa mundo. mejo nagtatampo lang.