hay.
it's really late, almost midnight. and i just finished baking cheese sticks. been craving for it for a few days already. hehe. and i just had four sticks. tsk tsk.
hmm...konting tiis na lang and the school year will be over. but i'm dreading the summer din kasi i have to enroll. etong 3 units na to is killing me. i really am not happy with the idea of spanish 11. bad talaga. kasi naman, si ma'am nora won't let me plead for substitution. kasi naman, i have 4 extra foreign language classes na pwede na nga isubstitute eh. bigyan ka ba naman ng options na either maging foreigner ka or get married sa foreigner. huwaw. ayoko talaga! ayako!!! i hate school. i hate languages. i can't even learn a dialect. hmft. ayus naman kasi eh noh, if i do the RGEP, magdadagdag pa ko ng units to take. hay. tapos magbabayad ka para ibagsak ka ng prof na ayaw unawain na sukang suka ka na sa unibersidad. eh kasi naman kasalanan ko ba na magka chronic gastroentiritis due to stress tuwing may spanish 11 class ako last sem. hmft. pucha, tutubuan na ko ng ugat nyan.
kaya eto na lang ang naiisip kong paraan. kumuha na integrated na span 10 and 11. wah. 6 units pa un. eh buti sana kung may magbibigay ng donashon alan-alang sa ikatataguyod ng edukasyon sa buhay ko( anu daw?whatever) para lang para lang talaga mabawasan ang kahihiyan ko sa pag sasabi ng "hola" at chukchak"tiene" sa classroom pag may recitation, kelangan na simulan ko sa basics. ulit. tapos pagtatawanan ng mga kaklase kong hambog ang student number ko, tulad nung dalawang ugok sa college of science na tatawa tawa habang tinitingnan un grades sa sts at tinuturo un student number ko. eh nasa likod nila ako. muntik ko na nga sila pag-untugin. buti na lang napigilan ang sarili ko. kaya sinumpa ko na lang na tatagal sila ng 8 years sa UP at aabutin sila ng isang katutak na pag-aabot sa MRR at kelangan nila gumawa ng maraming letters ng pakikiusap sa kung sino man ung lagi kong ginagawan ng love letter tuwing enrollment period.
eh kasalanan ko ba na naging masaya ako sa kolehiyo ko at pinili ko na tagalan ang pag-aaral. sana nagdoctor na lang ako. eh di sana ok lang kahit nag-aaral pa ko.ahahha. minsan nga naiisip ko, sana ginawa na lang akong battery para hindi sayang un energy ko.
malapit na ako pumunta sa boracay. hindi naman talaga ako naeexcite. sino ba naman ang maeexcite eh hindi naman ako makakapag tupis. ehehhe. kanina sabi ko sa pamangkin ko, si zach, isasama ko sha. sabi ko tingnan nya kung bagay sa kin un bikini na binili ko. ang bastos, kinilabutan at kinilig ba naman. sabi nya lang. eww, ayaw, tita, ayaw. walang galang. ahahhaha! anu gago? matagal ko ng sinasabi sa sarili ko na dapat may dignidad pa din ako. ahahahha. aru aru. kaya mag jojogging pants ako sa ocean.
weh. i love it. i missed my praning moments. ehehehhe.
good night world!
2 comments:
hehehe... ang kulet nito. hahaha... tapos ang lalim pa ng mga tagalog reminds me of myself pag nagsusulat ako in tagalog. hehehe.
ha? malalim ba? ahahaha!naguluhan nga ako sa sarili ko eh.
Post a Comment