Wednesday, May 30, 2007

boohoohoo

hmft. i really want to sell blue na. i want to get a new car but shempre wishful thinking lang yun. ayaw kasi ni dada na benta sha ng mababa but wala pa kong money for repairs. ok, ok, i won't sell blue na nga. i'll just pray really hard na manalo ako ng bmw sa raffle. hehe.
hay. ang hirap maging mahirap. sa totoo lang, before mum and dad left, i think i even blogged about it, kasi i was supposed to work somewhere. the pay wasn't even that bad, but i think sablay yun company. oh, well, but kasi it is very easy nga naman to look for jobs di ba? naku, eh talaga namang may i reklamo ang mga cousins ko kasi naghanap ako ng trabaho. bakit daw? simple lang, wala kasi akong pera eh. ganyan talaga...ang yabang ko kasi, kala ko matatagalan ko din na pinta pinta lang. at ayun pa pala, mahirap ng malayo sa magulang, wala kang tatakbuhan. kasi kahit wala akong pera, very supportive talaga sila sa aking pagpipinta slash kabaliwan. naisip ko na kasi yun eh, na talagang i know na i hafta do everything alone. tapos may malaki pa akong baby, pucha, dog food pa lang talaga namang kahabag habag na ako. eh sige, major protesting sila. tapos ngayon, oo nga, nagsisimula ng business, ni hindi ako nakakapag pinta... wala rin akong pera. shempre, wala pa akong sinasahod. naranasan ko na to dati, pero shempre, anjan si mummy, di ako nagugutom at hindi ako kaawa awa...
pero ngayon...hay, naiiyak ako, kasi joke ng mga pinsan ko, di ko naman daw kailangan ng pera at pwede naman daw ako makikain kung saan saan. hoy, nakakahiya kaya yun...pero, nagagawa ko na nga yun eh. shit, naiiyak ako...
alam ko naman di ko dapat nirereklamo to kasi kung saan saan nga ako nakakapunta eh. kaya lang, talagang ang hirap na makikita mo na walang kakainin ang anak mo.wah!kawawa naman si cyrus. pera ko na lang 25 pesos pambili ng load. wah! tsk, tapos ang dami ko pang bills...panu na kaya ako. minsan nga nahihiya ako kay mikkey kasi bum ang gelpren nya. gusto ko ng lamunin na ko ng lupa!!!
tama nga, in two months, nakapag set up kami. wala pala sa conditions ko na mag open in those two months. i can't wait anymore. nadidiskurahe na ko. kasi hindi naman talaga ako optimist, nagpapanggap lang.
what now?

2 comments:

Anonymous said...

tengkyu sa lollipop hehe

abba said...

welcome. don't feel special, marami kayong binigyan ko. hehe.dat's for the broken leg.