wow. i haven't written an entry in a long time. well, i did attempt to, but it was all about whining about lost love, and how sad my head is. well, marami na ang may alam nyan. most of the readers, siguro all 3 of them, have followed my ups and downs, and my pagewang-gewangs.
what's on my mind. let's see...(i'm going to get in trouble for this! hindi naman ako racist, pero nagkakataon lang.kaya taglish ko na lang ito susulat)
while hanging the laundry, i suddenly remembered this wisecrack from the internet and his article, "I hate Filipino culture". una kasi sa lahat, dapat " I hate THE Filipino culture." pero siguro tama din sya kasi hindi naman well-defined ang culture na sinasabi nya. I'm not going to go ahead and diss this guy. entitled naman sya sa sariling opinyon nya. at nakasulat pa ang blog entry nya sa English. mahilig din naman ako mag ingles.
the way he talked about pinoy pop culture was a little over the top. he ended his article with saying that the people who are successful in the PI are eitherr "of a foreign culture (the Chinese) or those exposed to western ideals", and that the "masa culture is a byproduct of ignorance". wow ha. deep.
ah, the Philippines. I love the Philippines. I would love to stay there if i can actually get a high-paying job, or be finally financially able to go full time with my business. i love being able to regularly pay my taxes, and hope,eventually, that i can give back to my university loads of cash (eh pano na pala yun ngayong semi-private na ang UP?)
i like the filipino pop culture better than j-pop,k-pop, at kung ano ano pang pop pop na lumalabas jan. cute lang sila kasi magaganda ang mukha nila at dahil hindi mo sila naaamoy. manonood na lang ako ng eat bulaga at matatawa pa din ako kay vic sotto. pero torture para sa akin kapag napipilitan akong manood ng wowowee dahil hindi ko masikmura ang humor ni willie,dagdagan mo pa ng speech impediment nya. dahil ba nanonood ako ng lovingly yours, helen at ng walang tulugan, below average na ang IQ ko? at dahil ba mahilig ako manood sa kapitbahay ng cinema one eh hindi na ako makakaboto ng tama? wala na ba ako pagasang umunlad???
ang lakas ng bahid ng ibang kultura sa atin, at ang mga pinoy eh hindi founded and pagkapinoy in their veins dahil sa kulang ang education tungkol dito. nawawala na ang trademark ng tunay pinoy. nakakalungkot na ang umuunlad sa atin eh mga tisoy, tisay, chinoy, chinay, at ang mga call center agents na napromote na papunta sa country director na position. ay, nagcall center pala ako dati, so kung ako ang napromote, ok pala yun. eh kung ang laking bilib natin sa ibang bansa, eh magpasakop na lang tayo sa intsik. tutal, nabenta na naman ni E ang kalahati ng pasig sa kanila, eh ibigay na rin natin ang spratleys. tutal singkit din naman sila. masosolusyunan pa ang kakulangan sa tubig kasi ma-aadapt na natin ang culture nila na hindi mahilig sa pagligo.
pwede din tayo magpasakop sa mga puti, kahit galing sa amerika o sa europe. tutal, uso naman daw ang mga halfbreeds na, na sinasabi nila na maganda. umuunlad din kasi nagaartista. kapag sinakop tayo ng mga lahing mapuputi, kapag colonized na tayo, or declared na isa na tayo sa USA, magkaka snow na rin sa atin, therefore masasagot na ang problema ng init sa pinas.
malakas talaga ang influence ng banyaga, dahil sa media. blame it kay kris aquino. dahil a) nasa media sya, and b) intsik sya. i therefore conclude, malakas ang influence nya.
lahat yan naisip ko habang nagsasampay. madami na ba akong haters? let me hear you say,yeah!
marami na ko napuntahan, marami na ko nakausap. iba't ibang uri ng tao. pero babalik balik ako sa pilipinas at sa kultura na nakagisnan ko. Kultura kung san ako pinalaki ng magulang ko. ang takot sa Diyos ang most important, but never letting fate or chance take control (dahil ang relihiyon ko ay hindi horoscope) dahil ang fruits ng hard work are always sweet. the kind of culture where family comes first, where our moral standards are based on Godly principles and passed on to us by the older generations. education was valued. critical thinking was encouraged in our househould. we were exposed to all kinds of the arts, from different places and other cultures, but we were taught how to appreciate our own.
maglalagay na ko ng disclaimer: malikot lang ang utak ko pero mabait akong bata sabi ng lolo ko.
diverse nga,diverse nga kasi wala nang purong pinoy. what you make out of yourself is what counts. may edukasyon man o wala.
sabihin mo sa marines yan.
PERO! pero kung gusto nyo baguhin ang pilipinas dahil jologs ang majority ng populasyon dito, handa ka ba baguhin ang sarili mo? dahil ang sarili mo ang worst enemy mo. rebooting a nation? dugo ang dadanak para diyan. and don't even get me started on politics.
No comments:
Post a Comment