last thursday, joy came over slightly unannounced. for most of us, life's been a little shitty, but then we do get the urge to drive up to the mountains once in a while to find comfort where the smog is a little thinner. that's how my bestfriend is. unpredictable. anyway, at almost 11 that night, we went out for coffee. a long time ago, we prefered lugaw or a giant slurpee. oh well.
anyway. she read me two poems. one was by pablo neruda. i was told to close my eyes so she can read it to me a la madonna. with her new york accent pa ha.
anyway. she then read me this poem she wrote. i've already read this a few years ago, i think she wrote this for her soulmate. here's the poem. may copyright daw yan:
sa apat na sulok
asul, berde, pula,
sa iyong mga mata
nais kong isama mo ako
sa apat na sulok na ito
at basbasan ng isang kulay
naminsan ay binasbas mo na
hayaan mo ihinga ko lahat
ng ingay ng bukas
at kahapong wala naman talaga
kalahati,
buo,
kulang,
sapat
wag ka matakot
di ako naniniwala
mga kataga, paniniwala, gusto paniwalaan
ayoko muna silang marinig
gusto lang kitang makita
gusto lang kita maramdaman
ikaw at ako
sa apat na sulok na ito
kasama ang asul, berde, at pula
sumasabay sa agos na ginawa nating dalawa
di na maghahanap pang muli
di na matatakot pang muli
sapagkat sa apat na sulok ng katahimikan mo
minsan nakita ko ang sarili ko
(apat na sulok, 2002)
totoo nga joy, hindi nga ata ako makarelate sa tula na to. magulo kung sapalagay mo na pwede ko incorporate ang love issues ko sa tula na to. para sa taong mahal ko, every thing is probably just browns or grays. at hindi ko maipasok ang katahimikan, dahil sa totoo lang, napakagulo. yun nga lang, mas kilala ko ang sarili ko kapag kasama ko sya. wag ka na kumontra, pababayaan ko na, sa iyo pa rin ang tula, dahil ikaw kaya maging payapa sa piling nya.
mas nararamdaman ko ang saya at ang excitement ngayong mga araw na ito. marami na akong narinig na payo, at marami na rin ang nag papataas ng morale ko. di na muna siguro dapat isiping importante ang ibang bagay. sa totoo lang. i have a choice. at kapag pinili ko na maging masaya, alam kong maraming maaring saktan, pero hindi ba dapat isipin ko naman ang well-being ko?
eto na siguro ang mga dapat kong bigyan ng importance sa buhay ko.
hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na malayo sa katotohanan. katulad mo. because you can never be real.
pero sa kaduluduluhan, siguro, parte ng realidad ko ang kawalan. kung maari man, babaguhin ko ito.
No comments:
Post a Comment