Saturday, February 03, 2007

sa malamig!

oo malamig. dito kami nakatira sa malamig. masakit sa paa, sa dibdib, sa ulo. lamig ang hehele syo sa pagtulog pero ito rin ang gigising syo sa madaling araw. bawal mag-shorts, lumabas ng walang jacket, at bawal din kumain ng ice cream dahil mangingilo ang buong katawan mo. bawal basain ang aso kasi kaawa-awa naman. bawal itutok ang electric fan sa gabi dahil baka sipunin. sa mga taong may hika, o pwede din sa wala, mahirap huminga. parang magyeyelo ang butas ng ilong mo sa gabi. at lahat ng kinain mo hindi matutunaw dahil hindi ka pagpapawisan, kakapit na lang ang mantika sa bituka mo na parang sebo. parang pati ulo mo rarayumahin. sa dinami-dami ng sakit ng katawan, lalamig ka na lang na parang bangkay, kaya mag-ingat wag madikit ang malayelo mong paa sa katabi kung ayaw mo ng gulo. mahirap naman uminom dahil ayaw mo rin mahilo, at lalong ayaw mong masuka dahil malamig ang tubig na ipang-hihlamos mo. at mahirap magmumog dahil mamamanhid ang gilagid mo.
and finally.
they're definitely leaving on the 8th. and i must admit, yes, i do get emotional. nangingilid-ngilid ang luha ko pag niloloko ko ng mga pinsan ko. i know i can do this. mikkey is very supportive about it, too. mahirap lang talaga ang ganito. iiwan nila ko na parang walang definite na pupuntahan ang buhay ko. hindi mo rin ako masisi dahil sobrang tutol sila mum sa paghahanap ko ng trabaho, at kung magsisimula ulit ng business, naranasan ko na ung walang wala sa simula. eto un sa sense na talagang di aasa kina mum and dad ha. pero kasi they also want me to stay home and just paint na lang. too bad hindi ko sila mabigyan ng exhibits pa sa ngayon.
aye ayoko magpakadrama queen today. i'll miss mum, dad, ten, and ali. sobra. mikkey told me that it's okay to be sad. and that i should accept it kasi if hindi sila ang aalis,malamang, eventually ako, and they'll be sad, too. but ganun nga naman ang life. okay lang din daw na mag-iiyak ako. and besides, uuwi pa rin naman sila, right?
ang tahimik dito sa house. nagppractise na ko.

No comments: